Naramdamang lindol sa Lanao Del Sur itinaas ng Philvocs sa Intensity 7

lanao-del-sur-earthquake
Inquirer file photo

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs) sa Intensity 7 ang pinsala ng lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Lanao Del Sur at Bukidnon kaninang umaga.

Sa kanilang advisory, ipinaliwanag ng Philvocs na bagaman naitala sa magnitude 6 ang lakas ng lindol ang pinsala naman nito sa mga taong apektado ng lindol ay kanilang itinaas sa intensity 7.

Paliwanag ng Philvocs, ang magnitude ay sukatan ng lakas ng lindol at ang intensity naman ay ang direktang epekto nito sa mga tao at ari-arian na dumanas ng pagyanig.

Ibinase nila ang intensity level upgrade sa lawak ng pinsala na kanilang natatanggap base sa mas pinalawak na post-quake information gathering.

Ang bayan ng Wao sa Lanao Del Sur ang siyang nakaranas ng matinding pinsala dahil bukod sa mga bahay at gusaling nasira ay may namonitor na rin ang Philvocs na liquefaction at landslides sa lugar.

Sinabi rin ng Philvocs sa kanilang advisory na asahan ang sunud-sunod pa ng mga aftershocks sa mga lugar na nakaranas ng pagyanig.

Read more...