Robredo at Marcos, hinihingan ng P81M ng SC

By Jan Escosio April 12, 2017 - 01:32 PM
robredo-marcos-0511Inatasan ng Korte Suprema sina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos na maglagak ng kabuuang P81.46 milyon para sa kanilang hiwalay na election protests. Base sa kautusan ng Kataas-taasang Hukuman, na umaaktong Presidential Electoral Tribunal e PET, ang P66.02 milyon sa nabanggit na halaga ay gagastusin para sa pagkuha ng election materials kaugnay sa protesta ni Marcos. Samantala, ang natitirang halaga naman ay gagamitin naman kaugnay sa petisyon ni Robredo na ibasura ang protesta ni Marcos. Magugunita na noong nakaraang 2016 Vice Presidential race, tinalo ni Robredo si Marcos, na agad nagsabi na may dayaang nangyari sa bilangan ng mga boto. Noon lamang nakaraang Enero 24, ibinasura ng Supreme Court ang petisyon ni Robredo, na kinuwestiyon ang hurisdiksyon ng korte na dinggin ang protesta ni Marcos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.