ex-FG Arroyo, humirit sa Sandiganbayan na pagbigyan ang kanyang 1-buwang European tour

mike inq fileHumirit si dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo sa Sandiganbayan na pagbigyan siya na makabiyahe sa loob ng isang buwan, sa pitong bansa sa Europa sa Mayo.

Sa mosyon na inihain ni Arroyo sa 7th division ng anti-graft court, humingi siya ng permiso para makabiyahe sa Spain, France, Denmark, Norway, Hungary, Czech Republic at Italy, mula May 15 hanggang June 17.

Katwiran sa mosyon, pinagbigyan na noon si Arroyo na makapag-abroad at lagi namang bumabalik sa Pilipinas.

At dahil hindi pa nahahatulan, may karapatan pa rin umano ang mister ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na makabiyahe, at handang sumunod sa requirements ng korte.

Si Arroyo ay nalilitis dahil sa kasong graft, kaugnay sa kwestiyunableng pagbili ng Philippine National Police o PNP ng dalawang 2nd hand na helicopters noong 2009.

Ang naturang choppers, na pinalabas na bago o brand new, ay sinuplay ng Lionair Inc. sa PNP, alinsunod sa utos ni Arroyo.

Read more...