Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group ang apat na illegal recruiters, sa magkakahiwalay na operasyon na ikinasa ng CIDG NCR at CIDG ATCU.
Nakilala ang mga suspek na sina Remigio Mariano Jr., na naaresto sa Pasay; Julieta Lipit at Shiela Marie Amil, na pawang naaresto sa Malate, Maynila; at Mary Keith Velasco, na naaresto sa Gilmore Ave. sa Quezon City.
Ang pangako ng mga suspek sa mga aplikante, trabaho sa Malaysia, New Zealand at Paris, France at humihingi ng pinakamababa na P90,000 na placement fee pa lamang.
Hindi pa kasama ang P40,000 na accommodation fee at training fee.
Nabatid na ang mga biktima ng mga suspek ay pinag-training pa sa isang dairy farm sa Baguio sa loob ng isang buwan para mag-gatas ng baka sa paniwalang makakapag-trabaho sila sa farm sa New Zealand.
Labing apat ang kabuuang bilang ng mga suspek na pinaghahanap ng CIDG sa kanilang Oplan Pagsisikap, kung saan nauna nang naaresto ang labing isa na nakasuhan na at nadagdag ang apat na suspek na pinakabagong naaresto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.