Ilang terminal sa Kalakhang Maynila, kinakapos na ng mga bibiyaheng bus
Nagkukulang na ng mga bus sa ilang terminal sa Kalakhang Maynila, ngayong Miyerkules Santo.
Ayon kay Administrative Aide IV Jessie Calacal ng Regional Law Enforcement Unit ng LTO NCR, dahil sa patuloy na pagdating ng mga pasahero ay kinakapos na ng mga masasakyang bus.
Maaari rin aniyang paikot-ikot na lamang ang mga bus mula sa mga probinsya pabalik sa Maynila at nagsasakay uli ng mga pasahero para matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero.
Sa terminal ng Florida GV Bus Line sa Sampaloc, Manila ay naubusan na rin ng mga bus kaya nagkagulo ang mga tao na walang masakayan.
Sinabi naman ni Calacal na ginagawan na ng paraan ng pamunuan para makabalik ang mga bus na nasa biyahe na.
Kanilang din sisigurihin na “road worthy” o walang depektibo ang mga naturang bus dahil kung pabalik-balik ang mga unit ay wala nang oras para suriin ang mga ito.
Karamihan sa kanilang mga nainspeksyon ay nakitaan ng mali ang pagkakalagay o sira ang mga seatbelt at may mga depektibong ilaw.
Kaugnay nito, inaabusuhan na nila ang mga ito na ayusin muna ang kanilang mga ilaw dahil kung gabi, ang ilaw ay kinakailangan para maiwasan ang mga aksidente.
Inaasahan ngayong araw ay mas dadami pa ang dadagsa na nga pasahero dahil ngayon ang huling araw ng trabaho sa mga opisina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.