Nakaramdam ng hindi bababa sa labing apat na pagyanig ang mga residente ng Wao, Lanao del Sur, umaga ng Miyerkules Santo (April 12).
Nauna nang sinabi ng Phivolcs na naitala ang magnitude 6.0 na lindol sa Lanao del Sur kaninang 5:21 ng umaga.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Shoraida Abantas, Department of Education o DepEd supervisor District 1 sa Wao, Lanao del Sur, na sa labing apat na pagyanig na kanilang naramdaman, ang ikalawa ang pinaka-malakas.
Ayon sa kanya, nakakatakot ang paglindol dahil bukod sa sobrang lakas ay talagang umaalog ang paligid at nawalan pa ng ilaw.
At pagkatapos ng ikalawang pagyanig ay sunud-sunod na ito.
Sinabi ni Abantas na sa kabila ng mga pagyanig ay wala nang naiulat na masamang nangyari.
Gayunman, may ilang bahay ng mga guro at school buildings ang nag-crack ang pader o kaya nama’y may nahulog na hallow blocks at kisame.