Phivolcs, pinayuhan ang mga taga-Lanao del Sur na huwag mabahala kasunod ng magnitude 6.0 na lindol

By Isa Avendaño-Umali April 12, 2017 - 09:00 AM

 

PHIVOLCS RENATO SOLIDUMUmapela ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs sa mga residente sa Mindanao, partikular ang mga taga-Wao, Lanao del Sur at kalapit na mga lugar na huwag mabahala matapos ang naitalang magnitude 6.0 na lindol doon kaninang umaga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Phivolcs Chief at DOST Undersecretary Renato Solidum na maaaring nagulat ang mga mamamayan na apektado ng lindol dahil bihirang makapagtala ng malakas na pagyanig doon.

Pero ayon kay Solidum, noong mga nakalipas na taon ay mayroong maliliit na earthquakes na nangyari sa Lanao del Sur.

Gayunman, pinakamainam pa rin na maging handa at palaging makinig sa payo ng mga otoridad.

Ani Solidum, dahil sa magnitude 6.0 na lindol sa Wao, Lanao del Sur ay asahan na ang aftershocks.

Wala rin aniyang banta ng tsunami, dahil sa lupa naitala ang lindol.

Sa ngayon, wala pa umanong nairereport na pinsala sa mga ari-arian, subalit sinabi ni Solidum na posibleng maapektuhan ang mga bahay na lumang-luma na o kaya nama’y substandard ang pagkakagawa.

TAGS: Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.