LPA posibleng maging bagyo, papasok sa PAR sa Huwebes

By Jay Dones April 12, 2017 - 04:24 AM

 

Mula sa PAGASA

Isang Low Pressure Area o LPA ang namataan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibitliy (PAR).

Ayon sa weather bureau, malaki ang tiyansang maging bagyo ang naturang LPA na unang namataan bilang mga cloud clusters sa labas ng PAR.

Tinatayang papasok ang LPA sa Philippine Area of Responsibility sa araw ng Huwebes Santo.

Kung magpapatuloy sa kanyang direksyon, maaapektuhan nito ang Mindanao at Eastern Visayas at tatama sa lupa sa Eastern Visayas o Bicol sa Sabado o Linggo.

Posible namang maramdaman rin ng mga taga Metro Manila ang epekto ng LPA sa araw ng Linggo o Lunes.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Kabikulan, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Hilagang Samar sa susunod na 24-oras.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.