Publiko hindi dapat maalarma sa hinihinalang ASG sa Bohol-Dela Rosa

By Ruel Perez April 12, 2017 - 04:25 AM

 

dela-rosa21Hindi umano dapat na maalarma ang publiko partikular ang mga taga-Bohol matapos na makapasok sa nasabing probinsya ang mga hinihinalang miyembro ng ASG na nakabakbakan ng mga sundalo at pulis.

Ayon kay Chief PNP Ronald Bato dela Rosa, hindi umano ito dapat ikabahala dahil napigilan naman ng mga otoridad ang anumang masamang balakin ng armadong grupo.

Paliwanag pa ni Bato, wala rin naman nabihag na sibilyan ang nasabing armadong grupo.

Giit ni Bato, kontrolado na nila ang mga kalaban lalo’t naipit na nila ang mga ito sa isang konkretong bahay sa bayan ng Inabanga.

Samantala, kinumpirma ng AFP na siyam na ang patay sa nagpapatuloy na sagupaan.

Ayon kay AFP PAO Chief, Col. Edgard Arevalo, 3 na ang namatay sa panig ng militar habang 5 sa panig ng kalaban at 2 ang nasugatan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.