Ayon kay AFP PAO Chief, Col Edgard Arevalo, 3 na ang namatay sa panig ng militar habang 5 sa panig ng kalaban.
May ulat din na isang miyembro ng Philippine National Police ang namatay sa bakbakan ayon sa joint statement na inilabas ng AFP Central Command at PNP Region 7.
Samantala, dalawa naman sa mga sundalo ang nasugatan at ngayon ay nilalapatan na ng lunas.
Narekober mula sa mga napatay na kalaban ang apat na matataas na kalibre ng baril at isang improvised explosive device.
Sa ngayon, ay di pa makumpirma ng AFP kung ASG nga ang nakalaban grupo.
MOST READ
LATEST STORIES