LP: Pagbaba ng ratings ni Robredo dapat asahan

Leni Robredo1Inasahan na ng dalawang senador mula sa Liberal Party ang pagbagsak ng satisfaction ratings ni Vice President Leni Robredo sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Naniniwala si Senator Kiko Pangilinan, pangulo ng LP, na ang pagbaba nang 11 points sa rating ni Robredo ay nangangahulugang hindi sang-ayon ang ilan sa mga ito sa pananaw ng bise presidente sa ilang mga usapin.

Dagdag ng senador, may mga panahon talaga na bababa at tataas ang satisfaction rating ni Robredo.

Ganito rin ang paniniwala ni Senator Bam Aquino, sa gitna ng aniya’y ‘black propaganda’ laban kay Robredo.

Gayunman, sinabi ni Aquino na mas marami pa rin ang naniniwala kay Robredo dahil maliit na bahagi lamang ng respondents ang naapektuhan ng propaganda.

Sa kabila nito, kinakailangang ipagpatuloy ni Robredo ang hangarin nitong mas mabuting pamumuhay ng marginalized sector, ayon kay Aquino.

Sa survey ng SWS na isinagawa mula March 25 hanggang 28, bumagsak sa 26% mula 37% noong Disyembre ang net satisfaction rating ni Robredo.

Matatandaang ilang mambabatas ang nagbabanta na maghahain ng impeachment complaint laban kay Robredo.

Ilan din ang mga kumondena sa video message ng bise presidente sa United Nations na tumutuligsa sa gyera ng Administrasyong Duterte kontra iligal na droga.

Read more...