Greek Prime Minister nag-resign sa gitna ng $96B bailout controversy
Nag-resign na sa kanyang pwesto si Greek Prime Minister Alexis Tsipras para paghandaan ang gaganaping snap election sa September 20.
Sinabi ni Tsipras na ibinigay na nya ang kanyang resignation letter kay Greek President Prokopis Pavlopulous.
Inamin ni Tsipras na ang kanyang resignation ay planado para tumakbong muli bilang Prime Minister ng naturang bansa na dumadaan ngayon sa matinding financial crisis.
Aminado ang opisyal na gusto niyang patunayan sa mga anti-bailout forces sa loob ng kanilang Syriza Party na tama ang kanyang desisyon na kumagat sa inialok na 86-Billion Euro ($96Billion) na economic package para maisalba ang kanilang ekonomiya.
Nauna nang pumalag ang mga kapartido ni Tsipras sa bailout offer ng European Central Bank dahil kapalit nito ang malaking pension cut at dagdag na value-added-tax sa halaga ng mga produkto at serbisyo.
Umaasa naman si Jeroem Dijsselbloem, chairman ng Euro Zone Finance Ministry na kung anuman ang maging resulta ng September 20 elections ay makababayad sa kanilang malaking pagkakautang ang Greece. / Den Macaranas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.