Mocha Uson may misyon sa pagsama sa pangulo sa Middle East ayon sa Malacañang
Idenipensa ng Malacañang ang pagkakasama sa sexy star na si Mocha Uson sa state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, isang appointed official ng Movie Television Review and Classification Board si Uson bilang isang board member.
Bukod dito sinabi ni Abella na marami raw Overseas Filipino Workers (OFW) ang follower si Uson sa Saudi Arabia.
Sinabi pa ni Abella na malaki daw ang maitutulong ni Uson para mapataas ang morale at mapaganda raw ang well being ng ilang problemadong OFW sa Saudi Arabia kapag nakita ang sexy star.
Matatandaang noong January 5, itinalaga ni pangulong Duterte si Uson bilang board member ng MTRCB.
Bukod kay Uson, kasama rin sa opisyal na delagdo ng pangulo ang ilang cabinet secretaries, senador, kongresista, local officials at ilang mga negosyante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.