Plunder laban sa mag-amang Parojinog ibinasura ng Sandiganbayan

By Isa Avedaño-Umali April 11, 2017 - 03:40 PM

ParojinogsIbinasura na ng Sandiganbayan 5th Division ang kasong plunder laban kina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at anak nitong si Vice Mayor Nova Princess Parojinog dahil sa sobrang pagkaantala ng filing nito.

Ang kaso laban sa mag-ama ay kaugnay sa umano’y maanomalyang gymnasium project na ipinagkaloob sa kumpanyang pagmamay-ari ng kanilang pamilya noong 2008.

Sa resolusyon ng korte, pinagbigyan nito ang motion to quash ng mga Parojinog dahil sa kabagalan ng ombudsman sa pag-iimbestiga at paghahain ng mga kaso.

Bigo rin daw ang prosekusyon na magbigay ng sapat na impormasyon tungkol sa pag-award ng nabanggit na proyekto sa Parojinog and Sons Construction Company.

Dagdag pa sa resolusyon, hindi na-establish na nagkaroon ng partisipasyon at financial interest ang mga Parojinog sa bidding ng proyekto na mismong ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagsagawa.

Mas nakilala ang mga Parojinog matapos silang bansagan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang narcopoliticians.

Si Vice Mayor Parojinog ay sabit umano sa kalakalan ng iligal na droga sa Bilibid dahil kasintahan siya ng drug lord na si Herbert Colangco.

Ayon pa sa pangulo, si Mayor Parojinog at kabilang sa mga lokal na opisyal na dawit sa droga.

TAGS: colangco, ombudsman, ozamis city, parojinog, sandiganbayan, colangco, ombudsman, ozamis city, parojinog, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.