2 malalaking kumpanya sa Central Luzon inireklamo ng BIR dahil sa tax evasion

bir
Inquirer file photo

Ipinagharap ng P131.96 Million reklamong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice ang dalawang kumpanya sa Central Luzon.

Base sa unang reklamo inakusahan ng BIR ng paglabag sa tax code ang mga opisyal ng Hyheavy Industrial Inc. na nakabase sa Castillejos, Zambales matapos mabigong magbayad ng P99.83M buwis kabilang na ang interest at surcharges noong taong 2012.

Kabilang sa inireklamo ang mga opisyal nito na sina Roderick Salem, Elvie Kang at South Korean Yoo Beongsun.

Nakasaad sa reklamo na hindi idineklara ng kumpanya ang kanyang kinita noong 2012 gayundin hindi ito nagfile ng income noong nasabing taon.

Samantala, nahaharap din sa parehong reklamo ang may-ari ng Hans Christian Marketing and Hans Jefferson Marketing na nakabase sa Cabanatuan City.

Sinabi ng BIR na bigo ang kumpanya na bayaran ang P32.13M halaga ng buwis noong 2011.

Read more...