Apat na barko na gamit sa black sand mining kinumpiska
Kinumpiska ng Bureau of Customs ang apat na barko sa Aparri, Cagayan dahil sa iligal na pagpasok sa bansa.
Sa ulat na natanggap ng BOC, sangkot ang MV Nova 1 sa iligal na pagaangkat ng magnetic black sand mula pa sa Cagayan River, kung saan natagpuan ito sa isang Quarry Site sa Appari.
Habang ang MV Vela 1, MV Vela 3 and Monte Cristo II, naman na sangkot din sa kaparehong iligal na gawain ay natunton sa Pine Sand Compound sakop ng Brgy. Tallunga.
Aabot sa P200 Million ang halaga ng apat na kumpiskadong mga marine vessels.
Nagbabala naman si Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa iba pang mga negosyante na magtatangkang iligal na mag-import ng mga vessels sa bansa.
Aniya, patuloy ang gagawin nilang paghabol sa mga lumalabag sa batas para mapanagot ang mga ito base sa mga umiiral na batas sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.