AFP nagdagdag ng mga tauhan kaugnay sa bakbakan sa Bohol

By Ruel Perez April 11, 2017 - 02:49 PM

AFP Field
Inquirer file photo

Agad na nagpadala ng dagdag na pwersa ang Aremd Forces of the Philippines (AFP) sa Bohol sa gitna ng nangyayaring bakbakan doon sa pagitan ng mga sundalo, pulis laban sa di pa matukoy na mga armadong kalalakihan.

Sa ulat na nakarating kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, ala-syete kaninang umaga nang makatanggapnng intelligence report ang 47th Infantry Batallion ng Philippine Army kaugnay sa presensya ng may sampung armadong lalaki na nasa tatlong magkakahiwalay na pump boats sa Sitio Ilaya. Brgy Napo sa bayan ng Inabanga.

Nang dumating umano sa lugar ang mga sundalo, doon na nagkaroon ng palitan ng putok

Armado umano ng matataas na kalibre ng baril ang mga kalaban na mga hinihinalang miembro ng ASG

Kinumpirma naman ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na isang sundalo na ang namamatay sa nabanggit na bakbakan.

Nauna nang nagpalabas ng travel advisory ang US Embassy  sa kanilang citizens na mag-ingat sa kanilang pagbiyahe sa Central Visayas partikular sa Cebu at Bohol dahil sa umanoy banta ng kidnapping ng terroristang grupo.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Bohol, u.s advisory, Abu Sayyaf, AFP, Bohol, u.s advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.