Hindi pa naman maidetalye ni CPNP Bato ang umano’y nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng di pa matukoy na armadong grupo.
Pero ayon sa Inabanga PNP, nakatanggap sila ng report Lunes (April 10) pa sa umano ay presensya ng armadong lalaki sa nasabing barangay kung kaya kaagad rumesponde ang mga sundalo at mga police personnel ng lalawigan ng Bohol.
Matatandaan na nagpalabas ng travel advisory ang US embassy sa kanilang citizens na mag ingat sa kanilang pagbiyahe sa Central Visayas partikular sa Cebu at Bohol, dahil sa umano’y banta ng kidnapping ng terroristang grupo .