Mga simbahan sa Maynila, babantayan na rin ng mga pulis
Mahigpit ngayong pinababantayan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga simbahan sa lungsod, para sa inaasahang bugso ng tao para sa Visita Iglesia, ngayong Semana Santa.
Ayon kay Manila Police District Director Chief Supt. Joel Coronel, kasabay ng pagpapatupad nila ng Oplan Summer Vacation, nagtalaga na rin sila ng 760 na mga pulis sa 92 na simbahan sa lungsod kabilang ang Manila Cathedral at Quiapo Church.
Sinabi pa kay Coronel, inaasahan nang bugso ng tao dahil kilala ang Maynila sa mga antigo at makasaysayang simbahan na dinadayo ng mga tao tuwing mahal na Araw.
Kaugnay nito, tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Maynila na handa na hindi lang ang security force ng lungsod, kundi maging ang emergency response services, sakaling kailanganin ng pagkakataon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.