Pasahero ng United Airlines, kinaladkad sa isang overbooked flight
Viral sa social media ang pagkaladkad ng tatlong security officers ng Chicago Department of Aviation sa lalaking pasahero ng isang overbooked flight ng United Airlines.
Patungong Louiseville, Kentucky ang United flight 3411 sa O’Hare International Airport.
Ayon sa tagapagsalita ng United Airlines na si Maddie King, kinakailangang sumakay ng apat na crew members sa naturang flight para sa sumakay sa isa pang flight sa Louiseville, at kung hindi ay makakansela ang byahe.
Dahil overbooked ang flight 3411, hiniling ng United sa mga pasahero na ipaubaya ang kanilang upuan, ngunit kapalit nito ay tutugunan ng Airline ang kabayaran dito. Sa kabila nito, walang nagpresenta na pasahero kaya minarapat ng United, kinailangan ang ‘ivoluntary de-boarding situation,’ ayon sa tagapagsalita ng airline na si Charlie Hobart.
Sinabi ni Hobart na ginagamit ng United ang sistema na tinitimbang ang bigat ng mga kadahilanan para tukuyin ang mga pasahero na maaaring alisin sa flight. Kabilang sa mga kinukunsidera ang conncecting flights, at gaano katagal maaantala ang flight ng pasahero.
Ayon kay Hobart, makailang-ulit na ipinaliwanag ito ng mga empleyado sa lalaki, ngunit tumanggi ang lalaki na bumaba ng eroplano. Dahil dito, napilitan ang airline na humingi ng tulong sa local law enforcement para sapilitang alisin sa eroplano ang pasahero, batay sa protocol ng Department of Transportation.
Sinabi naman ng testigo at pasahero na si Tyler Bridges na mahinahong kinausap ng dalawang security officers ang lalaki. Lumapit naman ang ikatlong security officer sa agresibong paraan.
Hinila ng naturang security officer ang lalaki mula sa kanyang kinauupuan. Tumama pa ang ulo ng pasahero sa arm chair. Matapos ito, kinaladkad naman ng security officer ang lalaki.
Iniimbestigahan na ng Department of Transportation ang insidente. Sinuspinde naman ang isa sa tatlong security officers.
Ipinahayag naman ni United Airlines CEO Oscar Munoz ang pagkabahala sa insidente, at inihingi ng paumanhin na kinailangan nitong i-‘re-accommodate’ ang mga pasahero.
Nagsagsawa rin ng sariling imbestigasyon ang airline.
Sinabi rin ni Munoz na nakikipag-usap na rin ang United sa pasaherong kinaldkad ng security officer para matugunan ang sitwasyon.
Ayon sa US Department of Transportation, hindi iligal ang overbooking dahil inaasahan ng airlines ang ‘no-shows’ o ang mga pasaherong hindi nagpapakita sa araw ng flight. Batay sa Fly-Rights ng Kagawaran, maaaring pumili ang airline ng pasaherong tatanggalin, batay sa criteria, gaya ng check-in time o halaga ng ticket.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.