Mas mataas na sahod, “most urgent national concern” ng mga Pinoy
Nananatili pa ring “most urgent national concern” para sa mga Pilipino ang mas mataas na sweldo.
Ito ay base sa pinakahuling resulta ng survey ng Pulse Asia na isinagawa mula March 15 hanggang 20, kung saan tinanong nila ang 1,200 na mga Pilipinong may edad 18 pataas sa pamamagitan ng face-to-face intervews.
Sa nasabing survey, lumabas na 43% sa mga respondents ang nagsabi na mas mataas na sweldo para sa mga nagtatrabaho ang kanilang pangunahing alalahanin.
Bagaman nananatiling nasa unahan ng listahan, bumaba ito ng 2 percentage points kumpara sa naitala noong December 2016.
Sunod naman dito ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, na tumaas ng 7 percentage points sa 41%, at pagkakaroon ng mas maraming trabaho na tumaas naman ng 8 percentage points sa 39%.
Samantala, ang iba pang naitalang urgent economic concerns ay ang paglaban sa katiwalian na nanatiling nasa 31% paglaban sa kriminalidad sa 28% mula sa dating 33%, pagbawas sa kahirapan sa 27% mula sa 33%, mas mapayapang bansa sa 18% mula sa dating 23%, pagpapatupad ng batas sa 16%, pagkasira ng kapaligiran sa 15% mula sa 11% at mabilis na paglaki ng populasyon sa 11% mula sa dating 8%.
Nakakuha ng malalaking approval scores ang administrasyong Duterte kaugnay ng mga national issues, maliban lang sa pagpapahupa ng kahirapan sa 50%, at pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa 45%.
Nangunguna sa approval score ang pakikipaglaban ng pamahalaan kontra sa kriminalidad na nasa 79% mula sa dating 84%.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.