2 patay, 2 bata sugatan sa pamamaril sa paaralan sa San Bernardino, California

By Kabie Aenlle April 11, 2017 - 06:52 AM

AFP photo
AFP photo

Dalawa katao ang nasawi sa pamamaril sa isang silid-aralan sa North Park Elementary School sa San Bernardino, California.

Ayon kay Lt. Michael Madden ng San Bernardino police, isang babaeng biktima ang napatay, at isang lalaki rin ang nasawi dahil sa self-inflicted na tama ng bala.

Sa ngayon ay hindi pa alam kung ano ang relasyon sa pagitan ng babae at lalaki, ngunit pinaniniwalaan ng mga pulis na isa itong kaso ng murder-suicide.

Dalawang batang estudyante din ang nasugatan, at nasa kritikal na kondisyon na ngayon ay nilalapatan na ng lunas sa ospital.

Ayon sa mga pulis, hindi naman tinarget ang mga bata, pero nagkataon lang na malapit sila sa babaeng biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.