Turismo sa Bohol, hindi apektado ng US travel warning

By Kabie Aenlle April 11, 2017 - 04:20 AM

 

bohol-storyb-photo-620x349Naniniwala ang lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Bohol, na hindi makakaapekto sa kanilang turismo ang inilabas na travel warning ng United States embassy to Manila.

Ayon sa provincial information officer ng Bohol na si Tootsie Escobia, kakaunti lamang ang mga turistang Amerikano sa kanilang probinsya kaya hindi sila gaanong maaapektuhan.

Karamihan aniya sa mga turistang dumadayo sa Bohol ay pawang mga Pilipino din o mga Asyano.

Matatandaang kamakailan ay naglabas ng travel warning ang US Embassy sa kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas na mag-ingat sa pag-biyahe sa Central Visayas.

Ito ay dahil umano sa nakalap nilang “unsubstantiated yet credible” na impormasyon tungkol sa mga teroristang grupong posibleng magsagawa ng kidnapping, partikular na sa mga lugar ng Cebu at Bohol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.