Sec. Lopez, nag-sorry sa minura at nilait na reporter
Naglabas si Environment Sec. Gina Lopez ng public apology para sa isang reporter na kaniyang minura sa isang ambush interview noong nakaraang linggo.
Sa inilabas na pahayag kahapon, humingi ng paumanhin si Lopez sa reporter ng BusinessWorld na si Janina Lim, at sa lahat ng taong posibleng naapektuhan ng kaniyang mga sinabi.
Ayon kay Lopez, inaamin niya na noong sinubukan niyang ipahayag ang kaniyang pananaw, nasabayan ito ng panghuhusga niya sa iba.
Alam rin aniya niyang wala siyang karapatan na maliitin ang sinuman sa anumang kadahilanan.
Maliban sa pagmumura kay Lim, inakusahan niya rin ang reporter na walang puso para sa mga mahihirap.
Hindi lang si Lim ang nakatikim ng masakit na salita mula sa kalihim kundi pati ang isa pang reporter na si James Galvez ng Manila Times.
Una nang sinabi ni Lopez na may isyu siya sa mga reporters dahil tila naka-set na ang utak ng mga ito tuwing tinatanong siya sa mga interview.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.