Matapos ang halos dalawang buwang nakababad sa 50:$1 na antas, muling lumakas ang halaga ng piso kontra dolyar nang magsara ito sa 49.705:$1.
Pumalo sa intraday high na 49.7:$1, habang ang pinakamababa naman ay 49.88:$1, matapos magbukas sa parehong halaga.
Mas mataas ang pagsasara ng piso kahapon kumpara noong Biyernes kung saan pumalo lang ito sa 50.08:$1.
Matatandaang umabot sa 50:$1 ang antas ng halaga ng piso mula noong February 17, na pinakamahina sa loob ng nagdaang huling dekada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.