Lascañas, handang tumestigo sa ICC sa mga insidente ng DDS killings

 

Nikko Dizon/Inquirer

Handa si ex-SPO3 Arturo Lascañas na tumestigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sakaling maisampa na ang reklamo sa International Criminal Court o ICC o kahit sa isang impeachment court.

Si Lascañas ay matatandaang tahimik na umalis ng Pilipinas noong Sabado at nagtungong Singapore dahil umano sa mga banta na kanyang buhay matapos niyang isiwalat ang nalalaman ukol sa operasyon ng Davao Death Squad.

Giit nito, kahit nasaan man siya, ay handa siyang humarap sa korte at patunayan ang katotohanan sa likod ng kanyang mga pagbubunyag nang humarap ito sa isang press conference sa Senado noong Marso.

Ang kanyang pag-alis sa bansa ay hindi nangangahulugan ng kanyang pagtalikod sa kanyang mga isiniwalat ukol sa kinalaman ni Pangulong Duterte sa DDS at mga kaso ng pagpatay sa mga kriminal at drug users sa Davao noong alkalde pa ito.

Una nang sinabi ni Lascañas na may banta sa kanyang buhay kaya’t pansamantala itong umalis ng bansa at may ilang kaso nang inihahanda laban sa kanya dito sa Pilipinas.

Read more...