Dalawang Metro Bgy. Captains, kinasuhan ng MMDA dahil sa illegal parking

By Jay Dones April 11, 2017 - 04:22 AM

 

Inquirer file photo

Dalawang barangay captain sa Metro Manila ang inireklamo ng Metro Manila Development Authority dahil sa mga sasakyang iligal na nakaparada sa mga lansangang kanilang nasasakupan.

Nahaharap sa kasong gross neglect of duty sina Bgy. Captain Elmer Maturan ng Bagumbayan, Quezon City at Michel Philip Factor ng Barangay Don Galo Parañaque.

Ayon sa complaint affidavit ng MMDA, nabigo ang dalawang kapitan de barangay na mapanatiling malinis sa mga nakaparadang sasakyan ang mga kalye sa kanilang lugar.

Noong Enero, humiling ang dalawang opisyal sa MMDA na tulungan silang linisin sa mga nakaparadang sasakyan at mga illegal vendors ang mga lansangan sa dalawang barangay na agad namang ginawa ng ahensya.

Gayunman, nang magsagawa ng inspeksyon ang MMDA nitong Abril a-siyete, kapansin-pansin na nagbalik muli ang mga nakaparadang sasakyan at mga obstruction kaya’t nagpasya na ang ahensya na sampahan ng kaukulang reklamo sa Ombudsman ang dalawang opisyal dahil sa kapabayaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.