Pagpatay sa 19-anyos na anak ng OFW sa Navotas, pinalulutas agad ni Dela Rosa

By Jay Dones April 11, 2017 - 04:23 AM

Raffy Lerma/Inquirer

Ipinag-utos ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang agarang imbestigasyon sa pagpatay sa isang 19-anyos na anak ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa lungsod ng Navotas noong nakalipas na March 29.

Ang biktimang si Raymart Siapo ay pinagbabaril hanggang sa mapatay makaraang akusahan na tulak umano ng marijuana sa kanilang lugar sa North Bay Boulevard South sa Navotas ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

Bago ang pamamaslang, may nakaaway umano ang biktima na kapitbahay at inireklamo ito sa barangay dahil sa pagiging drug peddler.

Makalipas ang isang araw, hindi bababa sa 14 na lalake ang biglang pumasok sa tahanan ng biktima at tinadtad ito ng bala hanggang sa mapatay.
Giit naman ng mga magulang at kaanak ng biktima, walang katotohanan ang akusasayon laban dito.

Dhil dito, sinabi ni Dela Rosa, kanya nang inatasan ang hepe ng Northern Police District na agad na lutasin ang kaso.
Giit ng PNP Chief, kung totoo man o hindi ang ibinibintang sa biktima, ‘murder’ pa rin ang walang pakundangang pagkitil sa buhay ng tao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.