Araneta Bus Terminal nanatiling maluwag sa mga pasahero

Araneta bus
Photo: Rod Lagusad

Sa pagpasok ng Holy Week, ngayong Lunes Santo ay patuloy ang pagdating ng mga pasaherong pauwi sa kani-kanilang mga probinsya sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao.

Ayon kay Police Supt. Louis Benjie Tremor, Station Commander ng Cubao Police Station sa kasalukuyan ay nasa normal pa rin ang bilang mga pasaherong dumadagsa sa Araneta Center Bus Terminal sa Quezon City kumpara sa parehas na panahon noong mga nakaraang taon.

Sinabi ng opisyal na nagdagdag na rin sila ng pwersa sa lugar para sa kaligtasan ng publiko.

Kaugnay nito, inaasahan na lolobo ang bilang ng mga pasahero pagsapit ng Miyerkules Santo.

Dagdag pa ni Tremor na wala pang naiiuulat na insidente ng mga pagnanakaw sa mga bus terminals na kanilang nasasakupan.

Nanatiling naka full alert status ang PNP ngayong pag-obserba ng Semana Santa.

Read more...