Nagsagawa ng protesta ang grupong Kadamay kasama ang iba pang mga progresibong grupo na kanilang tinawag na “Kalbaryo ng Mamamayan” sa Mendiola sa lungsod ng Maynila .
Kabilang dito ang iba’t ibang chapter ng Kadamay, ang Bayan-Metro Manila, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Southern Mindanao Region (KMP-SMR), Confederation of Lumad Organization-Southern Mindanao Region.
Binigyang diin ng Kadamay ang pagkakaahalintulad ng mga paghihirap ni Hesus sa mga dinadanas ng mga maralitang Pilipino.
Makikita ang ilang mga miyembro ng grupo na may pasan-pasan na krus habang hinahampas sa likuran.
Tampok dito ang mga mga effigy nina Pangulong Rodrigo Duterte, US President Donald Trump, PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa at iba pa.
Ayon kay Kadamay Secretary General Carlito Badion na tuloy-tuloy ang kanilang panawagan kaugnay sa pagkakaroon ng pabahay sa mga maralitang mga mamamayan.
Bago nagmartsa ang mga ito ay nagkaroon muna ng programa sa Plaza Miranda kung saan kanilang iginiit ang mga napakong mga pangako ng Duterte administration.
Kabilang dito ang problema sa kontraktuwalisasyon, sahod, mahal na bilihin at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.