Bahagi ng Glorietta 3 nasunog

By Den Macaranas April 10, 2017 - 07:37 PM

Glorietta3
Photo: @JohnPaulPatrich

Tumagal ng ilang minuto ang sunog sa loob ng Glorietta 3 sa Ayala, Makati City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nasunog ang isang malaking kurtina sa loob ng mall pasado alas-sais ng gabi at kaagad ring naapula makaraan ang ilang minute.

Dahil sa sunog ay mabilis na pinalabas ng gusali ang mga tao sa loob ng nasabing mall.

Wala namang naiulat na nasaktan sa sandaling sunog habang inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: ayala, BFP, fire, glorietta 3, Makati, ayala, BFP, fire, glorietta 3, Makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.