Kaligtasan ng publiko ngayong Semana Santa tiniyak ng AFP

U.S Embassy
Inquirer file photo

Inerespeto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang inilabas na travel advisory ng U.S Embassy sa kanilang mga mamamayan na nasa bansa.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, wala silang namomonitor na banta o threat mula sa anumang teroristang grupo ngayon Semana Santa.

Sa kabila nito, hinimok naman ni Año ang lahat na maging mapagmatyag at kaagad na ipagbigay-alam sa AFP kung meron mang indibidwal o grupo na may kahina-hinalang kilos upang kaagad na magawan ng aksyon ng militar.

Kamakalawa ay nagpalabas ng advisory ang US Embassy sa Maynila para sa mga US citizen sa Central Visayas partikular sa probinsya ng Bohol at Cebu na mag-ingat matapos umanong mkatanggap ng ‘unsubstantiated yet credible’ information na posibleng tangkain ng mga terrorist groups ang mga pagdukot sa naturang lugar.

Samantala, wala umanong pahinga ang tropa ng pamahalaan sa gagawing pagbabantay ngayong bakasyon

Giit ni Año, ngayon ang panahon na dapat mas maging alerto at magsipag ang mga sundalo sa pagbabantay para matiyak na ligtas ang lahat sa paggunita ng Holy Week

Kasabay nito ang apela ni Año sa publiko na isama sa pagdarasal ang kanilang mga sundalo.

Read more...