Mga oil companies magpapatupad ng price increase bukas

By Den Macaranas April 10, 2017 - 04:59 PM

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
Inquirer file photo

Muling magpapatupad bukas ng dagdag presyo sa halaga ng producktong petrolyo ang mga oil companies sa bansa.

Base sa kanilang advisory, aabot sa P1.10 ang dagdag sa kada litro ng gasolina, P0.90 naman sa halaga ng diesel at P0.90 kada litro rin ang dagdag sa presyo naman ng kerosene o gaas.

Epektibo bukas, alas-sais ng umaga nasabing oil price increase makaraan silang magtaas ng P0.35 sa presyo ng gasolina noong nakaraang linggo.

Kabilang sa mga kumpanyang nag-anunsyo ng dagdag presyo ay ang Petron, Caltex, Shell, Seaoil, PTT, Total, Phoenix Petroleum, Jetti at Metro Petroleum.

Karaniwan nang tumataas ang presyon ng gasolina, diesel at gaas sa tuwing panahon ng Semana Santa.

Samantala, sinabi naman ng Department of Energy na ang panibagong oil price increase ay dulot ng pagtaas ng demand ng produktong petrolyo sa world market na siyang nagdidikta sa halaga nito sa merkado.

TAGS: diesel, DOE, gasoline, kerosene, oil price increase, diesel, DOE, gasoline, kerosene, oil price increase

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.