Pulis na nakipagbarilan sa holdaper sa loob ng bus sa Quezon City, na-promote

BAYANING PULIS
Kuha ni Ruel Perez

Nabigyan ng one rank promotion ang pulis na miyembro ng PSPG o Police Security and Protection Group na nakipagbarilan at nakapatay sa isang holdaper ng isang pampasaherong bus noong isang linggo.

Mula sa pagiging PO2, promoted sa PO3 si Angelito Lantano.

Maliban sa promotion, pinagkalooban din ni PNP chief Dir. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa si Lantano ng isang caliber 45 na baril at isang Glock 30.

Sakay ng isang pampasaherong bus si PO3 Lantano ng magdeklara ng holdap at magpaputok ng baril ang isa sa tatlong holdaper.

Nang papalapit na umano kay Lantano ang isa sa mga holdaper ay itinutok nito ang baril sa pulis na noon ay naka civilian dahil off-duty na ito.

Kwento ni Lantano, hindi siya nawalan ng loob at naunahan niya sa pagkalabit ng gatilyo ang holdaper na siya nitong ikinamatay.

Arestado sa insidente ang dalawa pang holdaper na kasamahan ng napatay.

Samantala, pinapurihan ni PNP chief Bato si Lantano dahil sa ipinakitang kabayanihan sa pagtupad sa kanyang tungkulin at pagsasabuhay sa motto ng pulis na ‘To Serve and Protect’.

Nagpasalamat naman si P03 Lantano kay Dela Rosa.

Read more...