Sa press conference sa Campo Crame, sinabi ni Bato na kinausap siya ng Regional Director ng PRO 7 o Police Regional Office 7 hinggil dito at may ginagawa na umano silang aksyon para labanan ito.
Bagaman hindi idinetalye ang laman ng intelligence report, tiniyak naman ni Bato na handa ang PNP na harapin ang naturang banta sa seguridad ng bansa.
Kamakailan nagpalabas ng advisory ang US Embassy sa Manila para sa mga US citizen sa Central Visayas partikular sa probinsya ng Bohol at Cebu na mag-ingat matapos umanong makatanggap ng ‘unsubstantiated yet credible’ information na posibleng tangkain ng mga terrorist groups ang mga pagdukot sa naturang lugar.
Samantala, nagpaalala naman si Bato sa mga turista sa bansa na mag-ingat at iwasan ang pagtungo sa mga lugar partikular sa boundary ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia na mayroon nang history ng pagdukot at pinagkukutaan ng Abu Sayyaf Group upang makaiwas sa aberya.