PNP, kinumpirma ang terror threat sa Central Visayas

By Ruel Perez April 10, 2017 - 02:08 PM

batoKinumpirma ni Philippine National Police chief Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa na mayroon nga silang natanggap na impormasyon hinggil sa sinasabing terror threat sa Central Visayas.

Sa press conference sa Campo Crame, sinabi ni Bato na kinausap siya ng Regional Director ng PRO 7 o Police Regional Office 7 hinggil dito at may ginagawa na umano silang aksyon para labanan ito.

Bagaman hindi idinetalye ang laman ng intelligence report, tiniyak naman ni Bato na handa ang PNP na harapin ang naturang banta sa seguridad ng bansa.

Kamakailan nagpalabas ng advisory ang US Embassy sa Manila para sa mga US citizen sa Central Visayas partikular sa probinsya ng Bohol at Cebu na mag-ingat matapos umanong makatanggap ng ‘unsubstantiated yet credible’ information na posibleng tangkain ng mga terrorist groups ang mga pagdukot sa naturang lugar.

Samantala, nagpaalala naman si Bato sa mga turista sa bansa na mag-ingat at iwasan ang pagtungo sa mga lugar partikular sa boundary ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia na mayroon nang history ng pagdukot at pinagkukutaan ng Abu Sayyaf Group upang makaiwas sa aberya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.