DOJ, maglalabas na ng legal opinion kaugnay ng BuCor-Tadeco deal

By Rod Lagusad April 10, 2017 - 11:16 AM

DOJ-660x495Nakatakdang maglabas ngayong linggo ang Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kontrata sa pagitan ng Bureau of Corrections (BuCor) at Tagum Agricultural Development Co. (Tadeco) na pagmamay-ari ng pamilya ni Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio Floirendo Jr.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, maaaring bago ang Lenten break ay mailabas na ng kagawaran ang legal opinion nito.

Noong nakaraang linggo, binuo ni Aguirre ang isang legal team na pinamumunuan ni Chief State Counsel Ricardo Paras III para silipin ang 25 taong joint venture agreement ng Bucor sa Tadeco sa pag-upa ng 5,300 ektarya ng Davao prison and penal farm.

Kabilang sa nasabing legal team ay sina Technical Staff Director Ma. Charina Buena-Dy Po, State Counsels Precious Pojas, Melvin Suarez, Noel Adriatico at Catherin Angela Maralit.

Matatandaang kwinestiyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang naturang deal dahil sa umano’y pagkakaroon ng anomalya nito.

Iginiit ni Alvarez na dehado ang gobyerno sa naturang kasunduan kung saan ay nasa P25.464 billion pesos ang mawawala dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.