Duterte-Robredo dinner, tuloy na pagkatapos ng Semana Santa
Kinumpirma mismo ni Vice President Leni Robredo na tuloy ang nakatakdang dinner nila ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kanyang mga anak.
Ayon kay Robredo, magaganap ang dinner pagkatapos ng Holy Week o Semana Santa.
Pero hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Robredo ukol sa petsa at kung saan gagawin ang naturang dinner.
Una nang sinabi ng bise presidente na kasama niya ang kanyang tatlong anak sa dinner, kung saan kasama naman ng pangulo ang kanyang pamilya.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay inimbitahan ni Duterte si Robredo para sa isang dinner sa kabila ng banta ng pagpapa-impeach sa dalawang lider ng bansa.
Pero marami ang bumatikos sa naturang imbitasyon ni Duterte, kabilang na si Sen. Antonio Trillanes IV na nagsabing isang patibong o trap lang ito ng pangulo para madisarmahan ang pangalawang pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.