Duterte, napanatili ang ‘very good’ satisfaction rating ayon sa SWS survey
Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang “very good” satisfaction rating sa unang kwarter ng 2017, batay sa isang survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ito ay kahit pa patuloy na tumatanggap ng kritisismo ang war on drugs ni Duterte, na nagresulta sa pagkakapatay sa daan-daang drug suspek sa nakaraang siyam na buwan.
Sa naturang survey na isinagawa noong March 25-28, lumabas na 75 percent ang kuntento sa performance ni Duterte sa unang kwarter ng taon, habang parehong 12 percent ang undecided at hindi satisfied.
Ayon sa SWS, ang naturang resulta ay nagbunga ng +63 “very good” net public satisfaction rating.
Sa Mindanao naman, nakapagtala ng “excellent” satisfaction rating si Duterte habang tumaas naman sa +62 sa Visayas.
Ayon pa sa survey, lumabas na bumaba ang satisfaction rating ni Duterte sa urban at rural areas, pero nakapaloob pa rin sa “very good” classification.
Isinagawa ng survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 na tao sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.