Idineklara ni President Abdel Fattah al-Sisi ang three-month state of emergency sa Egypt kasunod ng pambobomba sa dalawang simbahan na ikinasawi ng apatnapu’t apat na katao.
Inanunsiyo ni Sisi ang “state of emergency” sa loob ng tatlong buwan sa isang talumpati sa Presidential Palace matapos ang isang pulong sa National Defense Council.
Una nang inako ng Islamic State group ang responsibilidad sa pambobomba sa dalawang simbahan sa mga lungsod ng Alexandria at Tanta sa Nile Delta.
Ang naturang emergency law ay palalawakin ang kapangyarihan ng mga pulis sa pang-aaresto, surveillance at seizures, at maaari din limitahan ang gagawin mga paggalaw ng publiko.
Sa nasabing mga pag-atake, unang pinasabog ng ISIS ang St. George Church sa Tanta kung saan hindi bababa sa 27 katao ang nasawi.
Sunod na pinasabog ang St. Mark’s Cathedral sa Alexandria, kung saan nasa 17 naman ang nasawi.
Matatandaang noong 2013, idineklara na rin ang state of emergency sa Egypt sa loob ng isang buwan kasunod ng madugong bakbakan ng pulis at Islamist protesters, na ikinasawi ng daang-daan katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.