Yellow rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at 4 na lalawigan

August 21, 2015 - 02:22 PM

2pm(updated) Dahil sa nagpapatuloy na malakas na buhos ng ulan dahil sa habagat na pinalalakas ng bagyong Ineng, itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang yellow rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa 4:00PM advisory ng sakop ng yellow warning ang Metro Manila, Laguna, Rizal, Cavite at Bataan.

Partikular na apektado ng malakas na pag-ulan sa Metro Manila ang Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa at Taguig.

Nangangahulugan ayon sa PAGASA na nakaranas na ng malakas na buhos ng ulan sa nasabing mga lugar sa nakalipas na isang oras at tatagal pa sa susunod na mga oras.

Nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha sa mga mababang lugar na apektado ng yellow rainfall warning.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Bulacan, Pampanga, Zambales, at nalalabi pang bahagi ng Metro Manila bahagi ng Nueva Ecija, Batangas at Tarlac./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: yellow rainfall warning in 4 areas, yellow rainfall warning in 4 areas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.