Aftershocks sa Batangas, pumalo sa higit 1,000

By Kabie Aenlle April 10, 2017 - 06:30 AM

Kuha ni Alvin Barcelona
Kuha ni Alvin Barcelona

Umabot sa mahigit 1,000 ang naranasang aftershocks sa Batangas mula noong unang tumama ang lindol sa lalawigan noong Martes.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, kabilang na dito ang apat na naranasang pagyanig noong Sabado, na aniya ay may katamtamang lakas lamang.

Sunud-sunod na naranasan ang mga pagyanig, lalo na noong Sabado, kung saan hindi lang sa Timog Luzon naramdaman ang lindol kundi umabot pa sa Gitnang Luzon.

Sa kabila nito, sinabi ni Solidum na walang dapat ikabahala dahil pangkaraniwang nagtatagal ng ilang araw o linggo ang unti-unting paggalaw ng fault line.

Nanawagan naman ang Phivolcs sa publiko na iwasan ang pagkakalat sa social media, o sa text messages ng mga maling impormasyon tungkol sa lindol.

Kumalat kasi sa internet ang maling impormasyon tungkol sa umano’y nakaambang Intensity 8 na lindol na tatama sa Luzon, kasunod ng pagyanig sa Batangas noong Sabado.

Paalala ng Phivolcs na walang teknolohiya ang kayang hulaan ang eksaktong oras, petsa at lugar ng malakas na lindol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.