Motorcycle driver, na-hit and run sa Parañaque, patay
Patay ang isang driver ng motorsiklo matapos siyang mabundol at tuluyang magulungan ng 10-wheeler na dump truck sa Parañaque City.
Ayon kay SPO1 Reynalo Serafica, naganap ang insidente kagabi sa southbound ng Macapagal Boulevard sa Barangay Tambo.
Aniya, northbound ang direksyon na tinatahak ng nagmamaneho ng motorsiklo, ngunit kumaliwa ang truck na pa-southbound at nabangga ang biktima.
Base sa mga pahayag ng mga nakasaksi sa insidente, buhay pa ang lalaking driver ng motorsiklo matapos masagasaan.
Gayunman nang bumaba ang driver ng truck at sinilip ang biktima, bumalik ito sa manibela at walang habas pang sinagasaan ang biktima, at saka kumaripas palayo.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga pulis ang pangyayari, at nakuha naman nila ang plaka ng nasabing truck na pinaghahanap na nila ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.