Mga retiradong pulis, nagkakasa na umano ng ‘jueteng’ operations

By Inquirer, Jay Dones April 10, 2017 - 04:30 AM

 

juetengIlang mga retiradong opisyal umano sa Philippine National Police ang ang naghahanda na upang kontrolin ang sugal na jueteng sa malaking bahagi ng Metro Manila at mga kalapit lalawigan.

Ayon sa source ng Inquirer na miyembro ng task force na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte upang sugpuin ang illegal gambling, isa umanong alyas ‘Tsunami’ ang bumubuo na ng grupo ilang pangunahan ang operasyon ng illegal numbers game.

Ayon pa sa source, ginagamit umano ni alyas ‘Tsunami’ ang pangalan ni PCSO chairman Jose Jorge Corpuz upang makumbinsi ang mga lokal na hepe ng pulisya upang pahintulutan silang mag-operate ng jueteng sa kanilang mga nasasakupan.

Kapalit aniya ng pagpayag ng mga hepe, ay ang pangako ng buwanang ‘payola’.

Maging ang ilang mga tiwaling opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay kinakausap na rin umano ng grupo upang maumpisahan ang illegal jueteng operations.

Ginagamit rin umano ng grupo ni alyas ‘Tsunami’ ang kanilang impluwensya bilang mga dating opisyal ng PNP sa kanilang aktibidad.

Samantala, ipinagkibit-balikat naman ni Corpuz ang balitang may isang grupo ng mga dating opisyal ng PNP ang ginagamit ang kanyang pangalan upang makapag-operate ng jueteng.

Ayon kay Corpuz, tanging ang Small Town Lottery ang legal na numbers game sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.