P4.3 milyon halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust sa Cebu City

By Jay Dones April 10, 2017 - 04:28 AM

 

Mula sa Cebu Daily News

Aabot sa P4.3 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Visayas sa buy-bust operation sa Sitio Bliss, Bgy. Labangon, Cebu City.

Pag-aari ang droga ng suspek na nakilalang si Jumar Umpad alyas Avatar na nakatakas sa raid bagamat naaresto ang kasamahan nito na si Mark Gonzales, 21 anyos.

Ayon kay Yogi Filemon Ruiz, PDEA-Central Visayas director, una nang nagkasundo ang mga ahente ng PDEA na nagpanggap na poseur-buyer at suspek na si Umpad upang makabili ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P360,000.

Gayunman, nang magkakabayaran na ay nakatunog umano ang suspek kaya’t hindi ito lumantad sa transaksyon kaya’t ang ‘courier’ nitong si Gonzales ang naaktuhan ng mga PDEA agents habang bitbit ang higit isang kilo ng shabu.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng PDEA na ‘new player’ sa illegal drugs trade sa Central Visayas ang suspek na si Umpad na tinutugis na ngayon ng mga otoridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.