Kahit may higit isang linggo na rin ang nakalipas, ginawaran pa rin ng isang ‘belated’ birthday celebration ng kanyang mga kaalyadong mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa mga post sa social media, ipinakita ng ilang mambabatas ang mga larawan ng ‘intimate’ birthday party ng Pangulo na isinagawa sa Malago Lounge sa Malacañang Park noong nakalipas na Sabado.
Ang birthday party ay inorganisa ni Marinduque Rep, Lord Allan Velasco at misis nito na si Wen na chairperson ng Pilipinong May Puso Foundation.
Kabilang sa mga naging piling bisita sa okasyon sina House Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas, Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy at Special Assistant to the President Bong Go.
Nakipagdiwan rin sa kaarawan ng pangulo sina Robin Padilla at Ormoc Mayor Richard Gomez at negosyanteng si Ramon Ang.
Ipinakita pa sa mga larawan na kuha sa okasyon ang pangulo na katabi ang isang ‘3-tiered cake’ na may kulay asul, pula at dilaw at mga sinag ng araw na sumisimbolo sa bandila ng Pilipinas.
Si Pangulong Rodrigo Duterte ay nag-celebrate ng kanyang ika-72 taong kaarawan noong March 28.