Semana Santa, sasamantalahin ng DPWH para sa road repairs-MMDA
Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga motorista na agahan ang biyahe o maghanap ng mga alternatibong ruta sa oras na simulan ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang mga nakalinyang road repairs sa kahabaan ng EDSA at iba pang pangunahing kalsada ngayong Semana Santa.
Ayon sa MMDA, magsasagawa ang DPWH ng road diggings o paghuhukay mula Huwebes Santo (April 13) hanggang Easter Sunday o Pasko ng Pagkabuhay (April 16).
Kabilang sa mga apektado ay mga kalsada sa Quezon City at Mandaluyong City.
Sa Pasig City naman ay may gagawing road repairs partikular sa C5 Road sa pagitan ng J. Vargas Avenue hanggang Pasig Boulevard (Southbound); habang sa Makati City, C5 Road (Southbound) Makati / Pasig Blvd. hanggang Commando Link.
Sa Valenzuela City, isasara ang bahagi ng Mc Arthur Highway partikular sa bahagi ng Cayetano St. hanggang China Bank, 1st lane.
Sa Pasay City, mayroong drainage project na isasagawa sa EDSA, partikular sa Tripa de Gallina sa harap ng Kabayan Hotel (Southbound).
Sa Lungsod ng Manila, magkakaroon ng kunstruksyon ng reinforced concrete box culvert sa P. Burgos Street crossing Bonifacio Drive / Roxas Boulevard.
Kaugnay nito, sasamantalahin na rin ng water concessionaire na Maynilad Water Services Incorporated ang Semana Santa upang magsagawa ng pipelaying project para sa bagong water service connection ng isang mall building.
Ayon sa MMDA, inaasahan ang exodus ng mga motorista na papalabas ng Metro Manila sa Miyerkules Santo (April 12).
Dahil dito, lifted ang number coding scheme simula sa Miyerkules at magtatagal ito hanggang araw ng Linggo, kung kailan magluluwasan ang mga biyahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.