32nd Death Anniversary ni Ninoy Aquino, ginunita sa Tarmac at Manila Memorial Park

August 21, 2015 - 01:08 PM

editedNagsagawa ng misa sa tarmac sa Ninoy Aquino International Airport kung saan naganap ang pamamaril kay dating Senador Benigno Aquino Jr., noong August 21, 1983.

Ang nasabing misa na sinundan ng wreath-laying ceremony ay pinangunahan ng mga kilalang nakibahagi noon sa 1986 EDSA revolution na sina dating Senador Heherson Alvarez at kaniyang asawa na si Cecille Guidotte-Alvarez, Raul Daza, at dating Vice President Teofisto Guingona.

Dinaluhan din ang programa ng mga miyembro ng ninoy Aquino Movement at August Twenty One Movement (ATOM). Sa idinaos na programa, pinagkalooban ng Ninoy Aquino Medal of Valor si Guingona.

Samantala, sa Manila Memorial Park, nag-alay ng panalangin at nagdasal ng rosary si Pangulong Benigno Aquino III at kaniyang mga kapatid.

Naunang dumating si Balsy Aquino Cruz, kasama ang anak at asawa, at sumunod na dumating sina Biel at Pinky.Wala naman ang isa pang presidential sister na si Kris Aquino.

May ilang miyembro din ng gabinete ni Pangulong Aquino na nakiisa sa paggunita ng death anniversary ni Ninoy, kabilang sina Budget Sec. Butch Abad, Defense Sec. Voltaire Gazmin at Interior and Local Government Sec. Mar Roxas./ Ruel Perez, Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: 32nd death anniversary of Ninoy, 32nd death anniversary of Ninoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.