Walang habas na namaril ang isang dating gym employee sa loob ng isang mall sa Florida, United States na ikinasugat ng dalawa katao.
Ayon sa pulisya, matapos mamaril ang suspek, agad niyang binaril ang kanyang sarili dahilan ng pagkasawi nito.
Kabilang sa mga nasugutan ay ang manager ng Equinox gym, na kalaunan ay binawian din ng buhay sa isang ospital.
Naganap ang shooting insident sa isang mall bandang ala una ng hapon sa Merrick Park, sa Florida.
Dahil sa pangyayari, nagkaroon ng tensyon sa loob ng naturang mall kung saan nagtakbuhan ang mga tao matapos marinig ng sunud-sunod na putok ng baril.
Ayon naman sa Miami-Dade police, ang pangalawang biktima ay kritikal ang kondisyon sa isang ospital.
Sa mga oras na ito ay hindi pa inilalabas ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at biktima.
Sinabi naman ni Miami-Dade Police Detective Alvaro Zabaleta na posibleng away sa pagitan ng manager at empleyado ang dahilan ng pamamaril.