Dalawang preso, tumakas sa Negros Occidental District Jail
Nakatakas ang dalawang preso mula sa Negros Occidental District Jail sa Barangay Abuanan, Bago City, umaga ng Linggo.
Nakilala ang mga bilanggo na sina Ramon Ventura Jr., 20 years old at Vercilito Capulong, 26 years old.
Noong 2015 inilipat si Ventura sa Negros Occidental District Jail dahil sa kasong carnapping habang si Capulong naman ay kinasuhan ng illegal possession of firearms.
Ayon kay Chief Insp. Ruth Estales, district jail warden, napansin ng mga jail official na nawawala ang dalawang preso nang sila ay magsagawa ng rounds sa bilangguan.
Matapos ang head count, nakumpirma na nawawala sina Ventura at Capulong.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na gumamit ng hagdan ang dalawang inmates para makatakas.
Ngayon ay nagpapatuloy ang manhunt operations laban sa dalawang nakatakas na preso.
Naipaalam na din sa Bureau of Jail Management and Penology national headquarters ang naturang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.